Paglipat ng mga PDP-Laban members inasahan na – Rep. Umali

Paglipat ng mga PDP-Laban members inasahan na – Rep. Umali

July 27, 2018 @ 3:31 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi na nakakagulat kung maglipatan man ang mga miyembro ng PDP-LABAN sa bagong regional party na binuo ni Davao City Mayor Sarah Duterte dahil ito ay isa sa consequence ng pagbabago ng liderato sa House of Representatives.

Ito ang paliwanag ni Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali sa nauna nang intensiyon ng mga PDP-Laban members na mag-jump ship na ng ibang partido.

“Ako as a veteran politician, I can almost presume, I can almost surmise na ‘yun talaga magiging direksiyon niyan, it’s the necessary consequence of the ‘recent developments’ at the House of Representatives,” pahayag ni Umali kung saan inamin nito na kung hanggang saan aabot ang epekto ng pagkakatanggal kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez ay magkakaalaman pa sa mga susunod na araw.

Una nang ibinunyag ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya na ilang mambabatas na nasa PDP-Laban ang nagbabalak nang lumipat sa Hugpong ng Pagbabago Party ni Sara Duterte at ang kanilang dahilan ay mass disenchantment kung saan naitsapuwera na umano ang mga dating leaders at ang mga posisyon ay ibinigay sa mga baguhan.

“Nung lumaki na kasi yung partido nagkaroon ng disenfranchisement, shall we say some congressmen felt that they were boxed out or kept in the dark. Doon palang nagkalamat na yung relasyon eh. There were mass oath-takings all over the provinces at the same time you had mass disenchantment ng mga congressmen that were left out or made to play second fiddle na lang dahil doon sa mga pinili nilang provincial chairmen. Doon nagsimula ‘yung pag-aasim ng relasyon kay Alvarez” nauna nang paliwanag ni Andaya. (Remate News Team)