Paglobo ng COVID cases sa lahat ng rehiyon naobserbahan ng DOH

Paglobo ng COVID cases sa lahat ng rehiyon naobserbahan ng DOH

January 18, 2022 @ 2:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Naobserbahan ng Department of Health ang pagtaas sa bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas.

Inilahad ito ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman sa isang briefing sa House committee on health nitong Martes.

“We have now observed an increase in cases across all regions and all provinces, highly-urbanized cities and independent component cities but there are still areas whose counts are lower than what we are seeing now in the NCR Plus but we’re already seeing continuous and swift increases,” pahayag ni De Guzman.

Binanggit din niya na ang pagtaas ng kaso ng virus sa National Capital Region at mga karatig-probinsya, o sa NCR Plus, ay mas mataas kumpara sa peak na naobserbahan noong Setyembre 2021 sa kasagsagan ng Delta coronavirus variant.

Ani De Guzman, ang pagtaas sa mga kaso ay dulot ng Omicron variant. RNT/SA