Paglobo sa proposed budget ng OVP, ipinagtanggol

Paglobo sa proposed budget ng OVP, ipinagtanggol

September 29, 2022 @ 7:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang tanong ng mga mambabatas tungkol sa malaking dagdag sa 2023 proposed P2.3 bilyon budget ng Office of the Vice President.

Ito ay kasabay ng isinagawang pagdinig sa Kamara ngayong Huwebes, Setyembre 29.

“The OVP will operate based on the amount being proposed and if there will be extension or establisment of more, then there will be (an) adjustment based on whatever is given by Congress as appropriation for the OVP,” paliwanag ni Davao de Oro 1st district Rep. Maria Carmen Zamora na siyang sponsor ng OVP budget.

Ipinaliwanag rin ni Zamora na ang proposed budget ng OVP ay gagamitin upang ibaba sa regional at provincial level ang mga serbisyo ng opisina kumpara sa ginawa ng dati umanong mga naging bise presidente.

Sa kasalukuyan ay mayroong satellite offices ang OVP sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, Surigao del Sur, at Bacolod.

“Hence, this proposal that it amounted to this much at P2 billion because of the intention of the OVP to operate these regional and satellite offices,” pagdidiin niya.

Ang mga naging tugon na ito ng mambabatas ay makaraan kwestyunin ni Albay 1st district Rep. Edcel Lagman ang tila lumobong proposed budget sa 2023 ng OVP na nasa P639 milyon lamang ngayong 2022. RNT/JGC