Paglubha ng PH educ system, nais pigilan ni VP Duterte

Paglubha ng PH educ system, nais pigilan ni VP Duterte

February 16, 2023 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Huwebes na kailangang pigilan ang paglala ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas, at sinabing  ang susunod na dalawa hanggang taon ay magiging kritikal na panahon para sa mga reporma sa ducation system sa ilalim ng kanyang pinuno.

“Our collective mission…is to ensure that we are able to avert the further deterioration of the Philippine education system. If we are able to do this successfully, we will be able to save the future of our children and the future of the Philippines,” aniya sa isang event sa Davao City.

Batay sa layunin ng “MATATAG” agenda na inilunsad sa presentasyon niya ng Basic Education Report 2023 noong January 30, sinabi niya na kailangan ng mga bagong paraan para resolbahin ang mga hamon na kinahaharap saa pagbibigay ng basic education sa mga mag-aaral kahit na matapos ang pandemya.

“We also need to acknowledge the systemic problems within the institution. Problems that have contributed to the learning difficulties hounding our children,” dagdag ni Duterte.

Nanawagan din siya sa mga awtoridad at na sikapin na pag-alabin ang inspirasyon sa mga kabataan na maabot ang kanilang mga pangarap.

“Kung kalahati lang ibibigay natin sa ating mga learners bilang mga taong may awtoridad at responsibilidad para sila ay matuto o maging edukado, patuloy tayong aani ng mga batang Pilipino na hirap sa larangan ng edukasyon. At kung kalahati lang din ang ibibigay ng mga learners sa kanilang pag-aaral, maaasahan na natin kung ano ang kanilang magiging kinabukasan at ang kinabukasan ng bayan,” aniya. RNT/SA