Pagluluwag sa alert level sa NCR kahit may Omicron, sinisilip ng IATF

Pagluluwag sa alert level sa NCR kahit may Omicron, sinisilip ng IATF

December 7, 2021 @ 11:36 AM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Health nitong Martes na tinitingnan ng Inter-Agency Task Force kung tamang panahon na ba upang babaan ang alert level sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng banta ng Omicron variant.

“With the threat of the Omicron variant, pinag-aaralan pong maigi ng IATF kung napapanahon ba na ibaba po natin talaga ang alert level,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam sa radyo.

“Dahil mas gusto natin mabantayan ang ating mga komunidad,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Vergeire nitong Lunes na lahat ng mga probinsya, highly urbanized cities, at independent component cities as Pilipinas ay nakasailalim sa Alert Level 2.

Subalit aniya, para bumaba pa sa alert level 1, kailangang magkaroon ng mga lugar na ito ng vaccination coverage na 70 porsyento para sa mga senior citizens, persons with comorbidities, at target population.

“Sa ngayon po ang nakaka achieve pa lang niyan is the NCR,” giit niya.

Nauna nang ipahayag ni Vergeire na kailangang mapanatili ng mga lugar ang low-risk classification sa loob ng dalawang incubation periods at magkaroon ng sapat na pagsunod sa safety seal. RNT/SA