Paglunsad ng OFW digital app inusog sa Okt. 27-DMW

Paglunsad ng OFW digital app inusog sa Okt. 27-DMW

September 30, 2022 @ 10:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na maaari nang makakuha ang overseas Filipino workers ng kanilang mga overseas employment certificates at iba pang mga dokumento online simula Oktubre 27.

Sinabi ni DMW Sec. Susan Ople, ang OECs ng mga mangaggawa ay maari nang ma-download sa kanilang mobile device sa ilulungsad nilang OFW digital app.

 “We were set to launch on October 15. But we decided to move it back to October 27,” sabi ni Ople sa ginanap na  DMW presentation sa  Joint Maritime Committees of European Business Chambers.

Paliwanag ng kalihim, inantala nila ang paglulunsad sa nasabing inisyatiba na katuwang  ang Department of  Information and Communications Technology (DICT), upang ma-test ang digital portal.

“We pushed it back a bit just to ensure that once we roll it out, the glitches will really just be the bare minimum,” paliwanag ni Ople.

Ayon kay Ople, sa pamamagitan  ng digitalization ay mababawasan ang oras ng pagpoproseso ng mga dokumento ng mga OFW at gayundin ang magpapasimple nito.

“So with this app, the worker can store the passport image and then there will be the OEC in a QR format. So that the Bureau of Immigration only can look at that.” dagdag pa ni Ople.

Bukod dito, maari ding aniyang mag-store ang mga OFWs ng iba pang personnel files sa application.

Available din sa app ang help desk na siyang sasagot sa mga katanungan mula sa mga OFWs.

“That’s just a prototype of the OFW mobile app. It’s still evolving. We have daily meetings now in preparation for the launch,” pagtitiyak ni Ople. Jocelyn Tabangcura-Domenden