Paglusaw sa PS-DBM na bumili ng overpriced laptop ng DepEd, inihain sa Senado
January 31, 2023 @ 4:28 PM
2 months ago
Views: 157
Remate Online2023-01-31T15:02:48+08:00
MANILA, Philippines – Tuluyang paglusaw sa Procurement Services ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pangunahing rekomendasyon ng Senate blue ribbon committee sa napatunayang “overpriced” laptop na binili noong kasagsagan ng pandemya ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Duterte.
Dating pinamumunuan ni Secretary Leonora Briones ang DepEd na walang nakita ang Senado na sangkot ang opisyal.
Ngayon, pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte ang ahensiya, anak ng dating presidente.
Nitong Lunes, inisponsoran ni Senate Blue Ribbon Committee chairman Francis Tolentino ang Committee Report No. 19 sa plenaryo na nagsasabing nagkaroong P979 milyong overpriced sa halaga ng biniling laptop para sa 2021 DepEd Laptop for Teachers Procurement Project.
Bukod dito, inirekomenda din ng panel ang pagsasampa ng kasong graft at perjury laban sa dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd and the Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM).
Base sa CR No,. 19, narito ang iba pang rekomendasyon ng komite:
1. Requiring government departments, agencies, offices, including the government-owned and controlled corporations, state universities and colleges and local government units to conduct their own procurement as an exercise of fiduciary duty to be accountable for public funds appropriated for their respective offices.
2.Amending the Government Procurement Reform Act to provide for transparency and accountability requirements for joint venture entities or arrangements participating in public biddings and to provide for transparency and accountability safeguards during the planning and pre-bidding stages of public procurement, including but not limited to the setting of the Approved Budget for the Contract and technical specifications or goods, services or infrastructure to be procured.
3. Immediate conduct of a Special Fraud Audit by the Commission on Audit. An investigation by the Anti-Money Laundering Council on the overpriced procurement, including an inquiry into bank deposits of the public officials identified in the investigation.
4. Special Tax Compliance Audit or a tax fraud audit inquiry to determine whether the proper taxes were paid on the income of the Joint Venture consortium partners.
Kasabay nito, binanggit din ni Tolentino sa kanyang privileged speech ang dalawang panukalang batas na naglalayong lusawin ang PS-DBM at amendahan ang Section 23 ng Government Procurement Reform Act.
“Senate Bill 1803 or the bill amending the Government Procurement Reform Act aims to provide in the law clear requirements as to the eligibility of a joint venture to join procurement projects, primary of which is the requirement that the primary purpose of ever member must be similar and related to the requirement of the project to be bidded out to ensure that each member of the joint venture is competent to comply with the requirements of the project,” giit niya.
“The bill further seeks to require the joint venture to be registered with the Securities and Exchange Commission and specifies that the liability of each of the members shall be joint and several with the joint venture itself,” dagdag ng senador.
Bukod kay Tolentino, lumagda sa CRN19 sina Senador Ronald dela Rosa, Bong Go (may reservations), Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada (tumutol), Imee Marcos, Raffy Tulfo, JV Ejercito, Risa Hontiveros (mag-interpellate), Grace Poe, Joel Villanueva, at Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel (mag-interpellate). Ernie Reyes
March 24, 2023 @7:28 AM
Views: 10
MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas nitong Huwebes ng 137 bagong COVID-19 infections, habang umakyat ang tally ng active cases sa 8,414.
Batay sa pinakabagong datos ng DOH, pumalo na ang caseload ng bansa sa 4,079,501. Tumaas ang bilang ng mga gumaling sa 4,004,783, habang naitala ang death toll na 66,304.
Sa nakaraang dalawang linggo, naiulat sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso sa lahat ng mga rehiyon sa 639 infections, sinundan ng Davao Region sa 301, Calabarzon sa 247, at northern Mindanao at Soccskargen sa tig-184 cases.
Hanggang nitong Miyerkules, may kabuuang 6,880 sinuri, habang 324 testing laboratories ang nagsumite ng datos, base sa DOH.
Samantala ang bed occupancy naman ng bansa ay 15.7% kung saan hindi bababa sa 3,876 beds ang okupado habang 20,768 ang bakante. RNT/SA
March 24, 2023 @7:14 AM
Views: 6
MANILA, Philippines- Sumailalim ang anim pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ), nitong Huwebes.
“‘Yung isa last surrender ‘yun. ‘Yung lima hawak na namin since the other day pero ito last surrenderee na ito,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Base kay Remulla, nais ng 10 suspek sa ilalim ng kustodiya ng National Bureau of Investigation na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).
“Meron tayong arrangement na ginagawa diyan. At least for the protection of their families,” ani Remulla.
“Because they know that they have no other recourse to have their families protected and we’re willing to do that because they’re very important to the case at hand,” dagdag niya.
Inihayag pa ng Justice Secretary na kakapanayamin ang mga suspek ng WPP sa ngayong Biyernes para sa proteksyon ng kanilang pamilya.
“For them itself, it’s very hard to know if they will be under witness protection later because we cannot discharge anybody as a state witness at this point in time because we’re still getting the whole story straight,” sabi ni Remulla.
Pinatay si Degamo at walo pa habang sugatan ang ibang indibidwal sa tahanan ng gobernador noong Marso 4.
Sinabi ng mga awtoridad na sumuko ang isang suspek noong nakaraang linggo habang habang ang apat na inilarawan bilang “major players” sa pagpatay ay sumunod na sumuko sa militar.
Inihayag ni Remulla na sa 10 suspek sa pagpatay, siyam ang direktang sangkot sa pagpatay sa gobernador.
Aniya, sinisilip ng mga awtoridad ang lima hanggang anim na “direct conspirators.” RNT/SA
March 24, 2023 @7:00 AM
Views: 11
MANILA, Philippines- Itinanggi ni senator Imee Marcos ang mga ulat sa social media na pumanaw na ang kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.
“Last week pa ‘yan, ang bad ng nagkakalat,” anang senador.
Nag-post din si Eliza Romualdez-Valtos sa Facebook na buhay pa ang kanyang tiyahin na si Imelda.
“Still strong and kicking,” saad sa post ni Valtos. RNT/SA
March 24, 2023 @6:45 AM
Views: 4
MANILA, Philippines- Makaaapekto ang ridge ng High Pressure Area (HPA) sa Northern Luzon ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Patuloy na magiging maulap sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Makararanas sa Northern Luzon ng light to moderate wind speed patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay mananatiling light to moderate.
Inaasahan naman sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging light to moderate.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:58 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:07 ng hapon. RNT/SA
March 23, 2023 @7:40 PM
Views: 84
MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mino-monitor ng Board of Investments (BOI) ang 90 active investment leads mula Chinese companies ng iba’t ibang sektor kasunod ng kanyang state visit sa China noong Enero.
“I am pleased to share that as of February 2023, the BOI, the Board of Investments is monitoring 90 active investment leads from Chinese companies engaged in manufacturing, information technology, business process management, and renewable energy,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa idinaos na 33rd Biennial Convention ng Federation of the Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa Pasay City.
“May you all take hold of and maximize these prospects as you venture into your next endeavors for the benefit of our people and for our communities,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal at miyembro ng FFCCCII.
Pinahalagahan ang naging partisipasyon ng FFCCCII sa kamakailan lamang na presidential visit sa China, tiniyak ni Pangulong Marcos sa Chinese-Filipino businessmen na ang usapin na nabanggit noong Setyembre sa courtesy call ay natugunan na ng kanyang administrasyon.
Upang makapanghikayat ng mas maraming investments sa energy sector, at tiyakin na sapat ang power supply at mababa ang electricity costs, sinabi ng Pangulo na inamiyendahan ng kanyang administrasyon ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Renewable Energy Act, nag-alis sa foreign ownership restrictions para sa ilang Renewable Energy (RE) generation projects sa Pilipinas.
Upang mas ma-streamline ang business permit at licensing processes, nagpalabas ang administrasyon ng Executive Order na naglalayong “constituting green lanes for strategic investments.”
“These are just some of the recent exciting opportunities, proving that the relationship between the government and the federation remains enduring and thriving in a highly globalized world,” ayon sa Pangulo sabay sabing bilang head of state, tungkulin niya na lumikha ng “enabling environment” para sa mga negosyo at gawing investment haven ang bansa.
“In return, I only ask that you continue to do what you do best: to remain industrious, innovative, and compassionate in improving the lives of our people through your business initiatives,” ang wika ng Pangulo.
Kinilala naman ng Pangulo ang papel ng FFCCCII bilang “catalyst for growth” mula ng magsimula ito noong 1954, binigyang diin ang inisyatiba para makaabot hangga’t maaari sa mas maraming komunidad bitbit ang Operation: Barrio Schools and Operation: Bakuna nito.
“We deeply appreciate your assistance in conducting medical missions and typhoon
and earthquake relief operations. As you conduct your biennial convention today, may you reaffirm your commitment to support the government in accelerating the country’s development efforts,” diing pahayag ni Pangulong Marcos.
Ang FFCCCII ay isang non-stock, non-profit corporation na binubuo ng 170 member chambers at trade associations sa iba’t ibang bahagi ng bansa, aktibong nauugnay sa “trading, manufacturing, service industry at iba pang economic activities.”
“The Federation’s four-day convention, attended by around 820 delegates including the country’s top Filipino-Chinese business leaders, has for its theme: “Unity for Development and Prosperity.” ayon sa ulat. Kris Jose