Pagmamadali sa Cha-Cha, may epekto sa ekonomiya-Rep Villarin

Pagmamadali sa Cha-Cha, may epekto sa ekonomiya-Rep Villarin

July 17, 2018 @ 12:23 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa halip na umangat ang ekonomiya ng bansa ay mas babagsak pa ito kung ipipilit na isulong ang Pederalismo.

Ito ang pangamba ng ilang mambabatas kung saan nagpaalala nito sa kasalukuyang administrasyon na hindi dapat madaliin ang pagpapalit sa federal government lalo at makikita na sa ipinatupad na TRAIN law na nang madalian itong ipasa at ipatupad ay naglikha ng mas malaking problema gaya ng pagtaas ng inflation.

Sinabi ni Akbayan Partylist Rep Tom Villarin na tiyak na mayroong setback sa economic progress kung ipipilit ang Charter Change lalo at patunay na dito ang ilang survey na nagpapakitang maraming Pinoy ang tutol pa rin sa pagpapalit ng 1987 Constitution.

Ani Villarin kung hindi nakikinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa survey ay makinig ito sa kanyang economic managers pangunahin na si Economic Planning Secretary Ernesto Pernia na una nang nasgabing bibilang ng taon bago pa maka-adopt ang bansa sa Federalism at ang pagpapatupad nito at magreresulta sa pagbagal sa paunlad ng bansa.

“When Duterte’s economic managers say otherwise about the Federalism push, it shows how the right hand does not agree with what the left hand is doing. Such dissonance in policy leads this country to chaos. After bungling monetary and fiscal policies that led to this inflationary crisis, we are now being pushed for Charter Change that will create political instability” paliwanag ni Villarin.

Tinuring din ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na premature ang pagsusulong ng Cha-Cha.

“The survey reveals that aside from not being in favor of Charter Change and shift to Federalism, majority of the Filipinos barely know the contents of the Constitution. Clearly, there is no public clamor. Worse, the people do not have the capacity and understanding, as of the moment, to engage in the process of Charter Change. This attempt is premature,”giit ni Alejano.

Para kay Alejano mas mainam na makinig ang pamahalaan sa taumbayan.

“Ipinipilit ng iilan sa taumbayan ang isang bagay na ayaw nila at hindi man lang lubos na alam. It is clear that the people are saying, ‘we do not want that at this moment’. The whole idea of charter change and shift to federalism is inorganic. Hindi nagmumula sa kagustuhan ng taumbayan” dagdag ni Alejano kung saan iginiit nito na kung ipipiliit pa rin ng ilang pulitiko ang ChaCha ay malinaw nang masasabi na mayroon silang vested interest.

Umapela din si Alejano sa administrasyon na huwag idaan sa pananakot at banta na hindi bibigyan ng budget allocation ang hindi susuporta sa Cha-Cha. (Gail Mendoza)