Pagmamaneho ng kababaihan sa Saudi Arabia, patuloy na binabatikos ng mga lalaki

Pagmamaneho ng kababaihan sa Saudi Arabia, patuloy na binabatikos ng mga lalaki

June 25, 2018 @ 9:52 AM 4 years ago


Jeddah, Saudi Arabia – Nagpahayag ng pagtutol ang ilang lalaki sa Saudi Arabia tungkol sa kamakailang pagwawakas ng ban sa mga babae para mag-drive dahil ito raw ay maaring makaapekto sa konserbatibong paniniwala ng Muslim.

“In Islam, we don’t have this. During our fathers’ and grandfathers’ time, there was none of this women driving,” sabi ni Wadih al-Marzouki, isang riteradong government worker sa Red Sea port city ng Jeddah.

Ayon pa sa kaniya, inabisuhan din niya ang kaniyang tatlong son-in-laws na ‘wag pa rin payagan ang kanilang mga asawa na magmaneho. “It is going to be very, very difficult. God help us the first month.”

Ang pagmamaneho ng mga kababaihan ay labag sa paniniwala ng ibang relihiyon at kultura dahil ito raw ay nagsusulong ng promiscuity at kasalanan.

Isang cleric naman ang nagsabi na ang mga babae ay walang sapat na kaalaman para mag-drive habang ang iba naman ay nagbabala na ito ay makasisira sa kanilang ovaries at magdudulot ng problema sa panganganak.

Samantala, sa ginawang survey, halos 40% ang hindi sang-ayon sa polisiya habang 30% naman nito ang nagsabing natatakot sila na baka ito ay maging banta sa kanilang cultural tradition.

Matatandaan na siyam na buwan na matapos ianunsyo ni King Salman ang polisiyang ito bilang parte ng ilang repormang para sa ekonomiya ng bansa at upang buksan ang lipunan sa pagbabago. (Remate News Team)