PAGMOMOTORSIKLO NANG WALANG SUOT NA HELMET, MORTAL NA KASALANAN

PAGMOMOTORSIKLO NANG WALANG SUOT NA HELMET, MORTAL NA KASALANAN

January 11, 2022 @ 9:21 AM 7 months ago


WALA raw perpektong organisasyoon, samahan, grupo o maging mga pribado at pampublikong tanggapan sa pamahalaan, maging lokal man o pambansa, dahil kahit gaano pa katalino, kahusay, napakatalino at napakasipag ang namumuno rito, mayroon pa ring sumusulpot na problema na bitbit ng tiwaling miyembro o kawani.

Marahil, may mga tanggapan din naman sa pamahalaan na masasabi nating ‚Äúalmost perfect‚ÄĚ pero hindi pa rin perpekto dahil nakalulusot pa rin ang ilang problemang dala ng mga bugok na kawani na wala na yatang naiisip gawin kundi kumita sa iligal na pamamaraan.

Sa lungsod nga lang ng Maynila, hindi matatawaran ang husay, galing, sipag at talino ni Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamamahala kaya sa loob ng maikling panahon, ang laki ng ipinagbago, hindi lamang ng lungsod sa kabuuan, kundi maging ang pamumuhay ng maraming mamamayan sa kabila ng nararanasang pandemyang dulot ng COVID-19.

Siyempre, katuwang ng alkalde ang mga pinagkatiwalaan niyang mga pinuno ng bawa’t departamento na sumusunod sa kanyang panuntunan, patakaran at paglilingkod ng tapat sa mga Manilenyo ng hindi humihingi ng anomang uri ng kapalit.

Isang halimbawa na rito ang tanggapan ng Manila Traffic and Parking Bureau na noon ay laging nababatikos dahil sa rami ng mga reklamo ng pangongotong na ang ilan pa nga ay huling-huli pa sa close circuit television camera o sa mismong cellular phone ng kanilang binibiktima.

Pero nang maupo bilang alkalde si Yorme Isko, ang mahigpit niyang tagubilin kay MTPB Director Dennis Viaje ay ang paglilinis ng kanilang hanay at pagsibak sa mga tinatawag ng ‚Äúbulok na kamatis‚ÄĚ upang hindi na makahawa pa ng iba.

Ang mabigat pa sa utos ni Yorme, hindi lamang sibak sa tungkulin kundi pinasasampahan pa niya ng kaukulang kaso ang mahuhuling kotongerong traffic enforcer upang magsilbing babala sa iba pang tauhan ng MTPB na matutuksong gumawa ng katiwalian.

Sa katunayan, daan-daan na ang nasibak at nakasuhan ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na mga dating traffic enforcer na nahuli sa aktong nangongotong mula nang ipatupad ni Director Viaje ang ‚Äúone strike policy‚ÄĚ laban sa mga tiwaling traffic enforcer.

Sa ngayon, talagang masasabi nating napakalaki na ng ipinagbago ng tanggapan ng MTPB, lalo na ng mga kasalukuyang traffic enforcer at kadalasan pa nga, bumibida pa sila sa social media dahil sa pagiging tapat, may malasakit at nagkakaloob ng serbisyo-publiko na hindi na saklaw ng kanilang tungkulin at walang hinihinging kapalit.

May mga magaganda pa ngang puna sa social media hinggil sa kanilang maayos na pakikitungo ngayon sa mga motorista dahil kahit mayroon pa ring nasisita bunga ng simpleng paglabag sa batas-trapiko, sa halip na tikitan ay pinagsasabihan at itinuturo pa sa kanila ang wastong paggamit ng lansangan at pagsunod sa traffic signages, lalo na sa mga magagalang na tsuper na marunong humingi ng paumanhin.

Marahil, tumimo na rin sa isip ng mga traffic enforcer ang una nang nabanggit ni Yorme Isko na ang pangunahing tungkulin ng mga traffic enforcer ay isaayos ang daloy ng trapiko at huwag mag-pokus sa panghuhuli o paghahanap ng nakagagawa ng paglabag sa batas-trapiko.

Pero kuwidaw kayo mga rider na nagmamaneho ng motorsiklo dahil kahit pa nga maluwag na sa pagsita ang traffic enforcers sa Maynila, mahigpit ang tagubilin ni Director Viaje sa kanyang mga tauhan na huwag pagbigyan at tikitan ang mga nagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet.

Kinokonsidera kasi ni Director Viaje na isang mortal na kasalanan ang pagmomotor nang walang suot na helmet kaya’t mahigpit ang kanyang direktiba na huwag pagbigyan o walang pakiusapan sa mga rider na mahuhuling walang suot na helmet, kahit pa nga opisyal ng pamahalaan o kapulisan.

Nabatid kay Viaje hindi niya mapagbibigyan ang ganitong paglabag dahil dalawa na raw sa kanyang mga tauhan ang namatay dahil sa pagmomotor nang walang suot na helmet.

Sabi niya, nalalagay sa panganib ang buhay ng isang nagmomotorsiklo kapag naaksidente kung walang suot na maayos na helmet.

Maaaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address na¬†[email protected]¬†o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.