Pagmonitor sa COVID variants, subvariants, mas malaking hamon ngayong taon – OCTA

Pagmonitor sa COVID variants, subvariants, mas malaking hamon ngayong taon – OCTA

October 23, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aminado ang OCTA Research Group na mas malaking hamon ngayong taon ang pagmonitor sa mga variant at subvariant ng COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni OCTA Prof. Guido David sa Balitaan sa Maynila na ito ay dahil na rin sa sobrang dami ng subvariants.

“Dati paisa-isa lang sila eh–mayroong Alpha, Beta, Delta ,Omicron at pag mayroong isa usually nakikita natin in advance na eto may parating na Omicron ganun– maghanda na tayo,” sabi ni Guido.

Ngayon aniya ay sobrang dami ng subvariants pero hindi umano lahat ng ito ay nakapagdudulot ng surge bagama’t transmissible ang mga ito.

“Ang nakakapag-cause dito sa atin ng surge ay yung talagang pinaka-transmissible dun sa mga yun kumbaga na cream of the crop ng COVID , yun na yung nagca-cause ng surge sa’tin –so yun nga kunyari ang Alpha, Beta, Delta, Omicron tas yung BA.5 na talagang very infectious yan pero mild lang naman at yung XBB din na kumalat na din sa Singapore,” ayon pa kay Guido.

Aniya, tulad ng XBB hindi rin inaasahan na nakapasok na ito sa Pilipinas kung saan nagdulot na ito ng local transmission. Jocelyn Tabangcura-Domenden