Pagnakaw ni Calida sa application for amnesty ni Trillanes, inilingan ni Lorenzana

Pagnakaw ni Calida sa application for amnesty ni Trillanes, inilingan ni Lorenzana

October 11, 2018 @ 9:08 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang akusasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na ninakaw umano ni Solicitor General Jose Calida ang application for amnesty ng senador at iba pang sundalo ng Magdalo kaya ito’y nawawala.

“Wala kaming makita roon sa DND (Department of Defense) eh. We do not know where they are,” ayon kay Lorenzana sa isang panayam nang tanungin kung ang lahat ng application para sa amnestiya ng mga sundalo ng Magdalo  ay nawawala.

“All we could find in the Defense department is the Proclamation 75 of [then] President [Benigno] Aquino [III], plus the documents that were signed by [then Defense] Secretary [Voltaire] Gazmin. ‘Yun lang nakita namin eh. So ‘yung accusations that the application form was stolen by SolGen Calida is untrue. Hindi totoo ‘yun,” ayon pa kay Lorenzana.

Sa mga balita, ipinakita ang mga video ni Trillanes na nagpasa ng kaniyang application para sa amnestiya kung saan sinabi ng senador na ito ay ebidenisya na rin ng admission of guilt.

Nakuhanan din ng video ang senador na nagpapakita ng kaniyang certificate of amnesty.

Gayunpaman, hindi pa rin tinatanggap ni Lorenzana na si Trillanes ay nag-apply ng amnestiya.

“I cannot confirm that [Trillanes] applied because I did not see it. Sabi ng AdHoc Committee [ng DND] nag-file siya, but we cannot find the application forms. We’re still looking kung meron tayong makita,” ayon kay Lorenzana./Remate News Team