PAGOD NA: 2-week ECQ sa NCR, isinusulong para mapahinga ang health workers

PAGOD NA: 2-week ECQ sa NCR, isinusulong para mapahinga ang health workers

July 31, 2020 @ 5:31 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Napapagod na.”

Ganito ang paglalarawan ng isang doktor sa mga health care worker sa bansa kasabay ng pakiusap sa gobyerno na muling isailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang Linggo para mabawasan ang nahahawa sa COVID-19 at makapagpahinga rin ang mga ito.

“Ang gusto natin ay magkaroon muna tayo ng breather kasi kung mapapansin ninyo, magmula nang nag-relax tayo ng community quarantine from ECQ to modified, doon nag-umpisa na umakyat ang dami ng nagkakaroon ng COVID-19,” ani Philippine College of Physicians Vice President Dr. Maricar Limpin sa interbyu sa radyo.

“Nakapapagod na. It’s time to really put a stop doon sa pag-spread ng infection. I know ang gobyerno natin nag-iisip kung papaano ang economy pero ano ang gagawin natin sa economy kung unti-unti namang nagkakasakit at namamatay ang mga Filipino?” dagdag pa ng doktora.

Matatandaang sa kabila ng halos pag-apaw na ng mga COVID-19 beds sa iba’t iabng ospital sa bansa ay pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa Metro Manila hanggang Agosto 15.

Ngayong Hulyo 31, umabot na sa higit 93,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

“Itong numbers na ito, these are not lying. ‘Yang numerong ‘yan, nararamdaman namin dito sa ospital,” ani Limpin.

“Hindi lang pagod ang pinag-uusapan natin dito. It’s also depression, nade-depress na kami. Imagine, inaalagaan namin ang mga pasyente pagkatapos nakikita namin nag-i-improve tapos all of a sudden magkakaroon ng problema biglang mamamatay,” aniya pa.

Dagdag pa ng doktora na hindi lang problema ang nag-uumapaw na bed capacity kundi pati na rin ang bilang ng workforce ng mga frontliner.

“It’s not just a matter of bilangin mo ang available na beds. Mas kailangan madagdagan din ang number ng manggagawa ng kalusugan.” RNT

 

 


  •  
  •  
  •  

Loading...