Pagpanaw ng idolo at no. 1 kritiko, ikinalungkot ni Digong

Pagpanaw ng idolo at no. 1 kritiko, ikinalungkot ni Digong

August 1, 2022 @ 8:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng “lubos na kalungkutan” si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpanaw ng isa pang dating chief executive na si Fidel V. Ramos, na namatay sa edad na 94.

“I am one with his wife, Ming, his family, his friends, and the entire Filipino people in mourning the death of a great statesman, mentor, and friend,” ani Duterte sa isang pahayag.

“As we grieve for his loss, let us honor his legacy of service and his significant contributions to the country.”

“May God grant eternal repose on his soul and give strength and solace to all of his bereaved.” dagdag pa ni Digong.

Sinuportahan ni Ramos si Duterte noong 2016 elections ngunit naging isang kritiko sa maraming mga patakaran ni Digong.

Tinuturing ni dating Pangulong Duterte si FVR bilang isa niyang idolo at kanyang “number one critic.” RNT