Pagpanaw ng tribal leader, malaking kawalan sa peace process-Galvez

Pagpanaw ng tribal leader, malaking kawalan sa peace process-Galvez

July 20, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Malaking kawalan sa peace process ang pagpanaw ng tribal leader na si Pedro Magannon Abbacan Sr., sa edad na 89.

Sinabi ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) chief Secretary Carlito Galvez Jr. na isang malaking kawalan ang pagpanaw ni Kalinga tribal peace builder dahil na rin sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho para sa kapakanan ng mga indigenous people.

Aniya, hindi biro ang ginawa ni Abbacan Sr., isang Kalinga pangat (respected elder), para isulong ang usapang pangkapayapaan sa Cordillera region.

Si Abbacan, pumanaw noong Hulyo 12 ay isa sa mga ‘key figures’ sa makasaysayang paglagda sa Mount Data Peace Accord sa pagitan ng Philippine government at Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) noong Setyembre 13, 1986.

Inilibing ang kanyang mga labi noong Hulyo 15 sa kanyang hometown sa Barangay Bangad, Tinglayan alinsunod sa indigenous traditions.

“Abbacan’s death is a major loss to the peace process with the CPLA. His legacy should inspire all of us to persevere even more to achieve our collective goal of uplifting the lives of our Cordilleran brothers and sisters, and bringing a just and lasting peace to all Filipinos,” ayon kay Galvez. Kris Jose