Pagpapa-tattoo ng palad, patok sa Thailand

Pagpapa-tattoo ng palad, patok sa Thailand

October 14, 2020 @ 2:03 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Thailand – Patok ngayon ang pagpapa-tattoo sa palad sa Thailand.

Anila nasa guhit ng palad ang swerte kaya’t maaari nang mabago ang iyong kapalaran sa pamamagitan ng pagpapatattoo sa palad.

Matatagpuan ang tattoo shop sa Nonthaburi, Thailand na kauna-unahan sa bansa.

Ayon kay Professor Ple, nagtatag ng tattoo shop nagsimula siya sa pagta-tattoo sa kilay hanggang sa natuklasan niya fortune telling sa panayam sa kanya ng Sanook.

Aniya ang pagbago sa guhit ng palad ay nakatutulong sa pagbabago ng iyong buhay.

Mahaba ang pila ng gustong magpa-palm tattoo na makikita sa Facebook page nito.

Anila, nais lang nilang magpatattoo sa palad para sa ikakapanatag ng kanilang loob.

Sa kabila ng tagumpay ng negosyo ni Ple, marami pa ring nagsasabing ito ay hindi totoo at anila’y “nonsensical and impossible.” RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...