Pagpapaaresto sa mga tambay, may ligal na basehan- Solon

Pagpapaaresto sa mga tambay, may ligal na basehan- Solon

June 19, 2018 @ 2:54 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Dinidepensahan ni House Committee on Government Reorganization Chairman Xavier Jesus Romualdo ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aarestuhin ng mga awtoridad ang mga tambay sa mga kalsada.
Ayon kay Romualdo taliwas sa paniniwala ng ilan na labag ito sa karapatang pantao ay katunayan umano ay may legal itong basehan, giit ng mambabatas na maaaring pauwiin ng mga pulis ang mga tambay at kung magmamatigas ay maaari nilang arestuhin at imbitahan sa presinto lalo ang mga indibwal na palagiang pakalat kalat sa mga lansangan.
Paliwanag ni Romualdo na alinsunud sa Civil Code, tinuturing na public nuisance ang mga pakalat kalat sa kalye lalo at nagiging sabagal to sa iba, nakakaapekto din umano ang mga palagiang pagtatambay sa mga kapitbahay at sa komunidad.
“Yung ganitong mga nuisance ay maaaring arestuhin ng mga pulis kahit na walang judicial proceedings,” pahayag ni Romualdo kung saan idinagdag pa nito na may mga lokal na ordinansa ang mga lokal na pamahalaan laban sa mga tambay na maaari din iinvoke ng mga pulis kapag aarestuhin ang mga tambay.
Giit ng mambabatas sa halip na batikusin ang Pangulo sa bagong direktiba laban sa mga tambay ay mas dapat pa umano itong suportahan lalo at ang kanyang bagong kampanya na ito para din sa target na labanan ang kriminalidad. (Gail Mendoza)