Pagpapababa sa optional retirement age sa gov’t employees, aprubado na sa Kamara

Pagpapababa sa optional retirement age sa gov’t employees, aprubado na sa Kamara

January 31, 2023 @ 6:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa pamamagitan ng botong 268 ay ipinasa ng mga kongresista sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagpapababa sa optional retirement age sa mga empleyado ng gobyerno mula sa edad na 60 ay magiging 56 taong gulang na lamang ito.

Ipinahayag ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang panukala ay magbibigay sa mahigit isang milyong empleado sa byurukrasya sa pamamagitan ng maagang pagreretiro.

“They can opt to quit working, receive their benefits, do other activities, and enjoy life in retirement with their loved ones even before they become senior citizens,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa maagang pagreretiro aniya ay maaalagaan ng mga matatandang empleyado ang kanilang kalusugan sa piling ng pamilya.

“It’s surely more fun to live life without work-related stress.”

Ang House Bill No. 206 ay piangsama-samang 13 panukalang batas na tinawag na “An Act lowering the optional retirement age of government workers from sixty years to 56 years, amending for the purpose Section 13-A of Republic Act 8291, otherwise known as The Government Service Insurance System Act of 1997.”

Nakapaloob sa panukala na ang mga empleyado ng gobyerno na miyembro ng GSIS member ay maaaring magretiro sa edad na 56 na may sapat na benepisyo matapos manatili sa serbisyo ng 15 taon at hindi tumatanggap ng buwanang pensyon para sa permanent total disability.

Sa ilalim ng kasalukuyang umiiral na Republic Act 8291, ang retiring member ay tatanggap ng limang taong lump sum na benepisyo na ang buwanang pensyon ay makukuha sa loob ng limang taon o cash na katumbas sa 18 buwan.

Sa ngayon ang compulsary retirement ay sa edad na 65 taong gulang.

Kabilang sa masasakop ng panukalang ito ay mga empleado ng gobyerno kabilang ang mga sundalo at mga pulis.

Ayon sa mga may-akda ng panukala ang mga guro ang may pinakamasipag na pag-uugali bilang mga tagapaglingkod sa gobyerno dahil sa pagtuturo ay lumalagpas pa sa kailangang oras bukod pa sa kung minsan ay mapanganib at nagbibigay ng sakit ng ulo.

Kabilang sa mga may-akda sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at Reps. France L. Castro, Arlene D. Brosas, Raoul Danniel A. Manuel, Maria Carmen S. Zamora, Marlyn L. Primicias-Agabas, Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano, Christopherson “Coco” M. Yap, Lorna C. Silverio, Edwin L. Olivarez, Reynante U. Arrogancia, Luis Raymund “Lray” F. Villafuerte Jr., Miguel Luis R. Villafuerte, Patrick Michael D. Vargas, Joseph Gilbert F. Violago, Edgar M. Chatto, Gabriel H. Bordado Jr., John Tracy F. Cagas, Carl Nicolas C. Cari, Divina Grace C. Yu, Tsuyoshi Anthony G. Horibata, Nicolas VIII C. Enciso, Edsel A. Galeos, Robert Raymund M. Estrella, Bonifacio L. Bosita, Steve Chiongbian Solon, Teodorico T. Haresco Jr., Irwin C. Tieng, Christian Tell A. Yap, Rosanna “Ria” V. Vergara, Rodolfo “Ompong” M. Ordanes, Faustino “Inno” A. Dy V, Salvador A. Pleyto, Joey Sarte Salceda, Gus S. Tambunting, at Jeyzel Victoria C. Yu. Meliza Maluntag