Pagpapababa sa presyo ng bilihin, mas dapat madaliin kaysa Maharlika fund – Hontiveros

Pagpapababa sa presyo ng bilihin, mas dapat madaliin kaysa Maharlika fund – Hontiveros

December 16, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinwestyon ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Disyembre 16 ang pagmamadali na maipasa ang panukalang bubuo ng Maharlika Investment Fund kaysa sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.

“Certify urgent? Eh kung ang gawin munang urgent kaya ay ang pag baba ng presyo ng pagkain para may disenteng Noche Buena, ang pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa lalo ang mga teacher at health workers, at ang ayuda sa matatanda, solo parents at mga may kapansanan?” pagtatanong ni Hontiveros.

Matatandaan na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpasa ng sovereign wealth fund, ayon sa House of Representatives.

Nitong Huwebes, Disyembre 15 ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 6608 sa 279 affirmative votes ng mga mambabatas, anim ang bumoto laban dito at walang abstention.

Ani Hontiveros, premature o hindi napapanahon at misplaced priority ang panukala.

“Our economy is already hurting now; imagine the world of pain we’ll be in if we rush head first into a P250 billion mistake,” anang Senador. RNT/JGC