Pagpapadali ng issuance ng OEC sa OFWs binubusisi ng DMW – Ignacio

Pagpapadali ng issuance ng OEC sa OFWs binubusisi ng DMW – Ignacio

August 11, 2022 @ 3:58 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Humahanap ng paraan ang Department of Migrant Workers (DMW) isupang padaliin ang paglalabas ng overseas employment certificate (OEC) sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, ayon saOverseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Huwebes.

Tinanong si OWWA Administrator Arnell Ignacio ukol sa apela ng overseas Filipino workers (OFWs) para sa mas mabilis na proseso ng deployment nila sa ibang bansa.

“I am very sure they are talking about the OEC,” aniya, na tumutukoy sa dokumentong nagsisilbing exit clearance na ibinibigay sa OFWs.

“Bago tayo nagkaroon ng DMW, POEA ang gumagawa niyan. Pero ngayon na DMW is here, ‘yan ay inaaral mabuti para mas maging convenient para sa OFWs ang mabigyan ng OECs nila,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Ignacio na ang issuance ng OEC ay para sa proteksyon ng mga OFW.

Matatandaang sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ipinag-utos niya sa DMW at sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing prayoridad ang automation ng kontrata ng OFWs.

Bukod dito, nais din ni Marcos na magkaroon ang OFWs ng OECs sa kanilang mobile phones.

Samantala, inilahad ni Ignacio na nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalukuyang naka-isolate.

“Una, magpagaling ako sa COVID…Ako ang natamaan e…Oo, nakakulong ako rito kaya hindi ako makalabas-labas. Hindi ako makapunta sa dapat kong puntahan,” aniya anng tanungin ukol sa mga plano para sa mga OFW. RNT/SA