Pagpapagamit ng Hijab sa Muslim personnel ng PCG pinuri ng CHR

Pagpapagamit ng Hijab sa Muslim personnel ng PCG pinuri ng CHR

February 4, 2022 @ 2:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pinapurihan ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsama ng hijab, Muslim headscarf, bilang uniform ng kanilang Muslim personnel.

Giit ni CHR Commissioner Karen S. Gomez Dumpit, Focal Commissioner on Women’s Right, ang pagsusuot ng hijab ng Muslim ay pagpapahayag ng relihiyon at malayang ekspresyon.

 “The new policy of the PCG fulfills the mandate in the Magna Carta of Women providing for the recognition and respect of the ‘rights of Moro women to practice, promote, protect, and preserve their own cultures, traditions, and institutions,’” lahad pa ni Dumpit. RNT/FGDC