Pagpapailaw sa San Juanico Bridge pinasinayaan ni PBBM

Pagpapailaw sa San Juanico Bridge pinasinayaan ni PBBM

October 20, 2022 @ 9:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – PORMAL nang “naka- switched on” ang San Juanico Bridge aesthetic lighting project, gabi ng Miyerkules.

Itinuring ito ng Samar provincial government bilang “something that will rewrite history.”

Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang nasabing event. Dumating ang Pangulo sa tulay ng alas- 7 ng gabi, Oktubre 19 para sa opisyal na pag-switch on, apat na taon na ang nakalilipas matapos na ma-conceptualized ito ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng Spark Samar tourism campaign.

“I could not pass up the chance to be here as this bridge holds special place of my heart since this was one of the flagship projects completed during the administration of my late father. You can only imagine genuinely delighted I am to be present to witness the lighting as your president,” ayon kay Pangulong Marcos sa nasabing programa matapos ang isang seremonya sa bayan ng Santa Rita, Samar.

Para naman kay Samar Governor Sharee Ann Tan, makatutulong ang nasabing event para mapaunlad ang kaalaman ng publiko ukol sa kultura, historu, at kagandahan ng probinsya.

“Since its completion in 1973, the bridge connects the two scenic island as shown in textbooks. Beyond the bridge, however, many Filipinos know little about us,” ani Tan.

“Tonight, we wish to change all of this. To begin, we are going to rewrite the bridge in history books as the first bridge in the country to have a computer-controlled aesthetic lighting with static and dynamic lights,” dagdag pa niya. Kris Jose