Pagpapakalat ng law enforcers sa Halalan 2022, inatas ni Digong

Pagpapakalat ng law enforcers sa Halalan 2022, inatas ni Digong

January 13, 2022 @ 6:35 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng law enforcement agents at government instrumentalities para sa May 9, 2022 national at local elections.

“The foregoing law enforcement agencies and other concerned agencies are hereby directed to coordinate and cooperate with Comelec in the performance of their duties and functions,” ang inihayag ni Pangulong Duterte sa Memorandum Order 59.

Ang memorandum ay ipinalabas bilang tugon sa Commission on Elections’ (Comelec) Resolution 10744, na humihiling  para sa law enforcers na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng election period.

Gayundin, ang memo ay alinsunod sa Article 9, Section 2.4 ng Philippine Constitution na nagbibigay-kapangyarihan sa Comelec  “to deputize, with the concurrence of the President, law enforcement agencies and instrumentalities of the Government, including the Armed Forces of the Philippines, for the exclusive purpose of ensuring free, orderly, honest, peaceful, and credible elections.”

Tinintahan ni Pangulong Duterte ang memo noong Disyembre 31 subalit inilabas lamang ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Enero 12. Kris Jose