Pagpapakawala ng tubig ng Magat dam tuloy pa rin

Pagpapakawala ng tubig ng Magat dam tuloy pa rin

August 8, 2022 @ 7:11 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nananatiling nakabukas ang Magat Dam at nagpapakawala ng tubig dahil malapit pa rin sa spilling level ang tubig rito.

Nauna nang nagpakawala ng tubig ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) nitong alas 2:00 ng tanghali Agosto 7.

Ayon sa NIA-MARIIS isinagawa ang pagpapakawala ng tubig dahil sa nararanasang Low Pressure Area/Southwest Monsoon sa lugar ang water level ng Magat Dam Reservoir ay patuloy na tumaas.

Sinabi pa NIA-MARIIS upang mapanatili ang safe water level sa Reservoir ang ahensya ay nakipag koordinasyon sa Pagasa at LGUs sa lugar at Disaster Risk Management Offices matapos isinagawa ang pagpapakalawa ng 200 cubic meter ng tubig.

Ayon pa sa NIA-MARIIS para mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig sa Magat Dam ang pinakawalang tubig ay maaaring madagdagan depende sa lakas ng ulan sa Magat Watershed sanhi ng nararanasang low pressure area/Southwest Monsoon.

Kaugnay nito sinabi pa ng NIA-MARIIS na pinakikiusapan ang publiko na iwasan muna ang pagtawid, pamamalagi at pati ang pagpastol ng alagang hayop sa ilog o sa katabi nito para makaiwas sa anumang sakuna dulot ng maaaring pagtaas ng tubig. Santi Celario