PAGPAPALA NAKALAAN SA NAGBIBIGAY NG BIYAYA

PAGPAPALA NAKALAAN SA NAGBIBIGAY NG BIYAYA

February 11, 2023 @ 1:23 PM 2 months ago


NOONG Disyembre 24 at 31, 2022 at Enero 1 at 2, 2023 ay naisagawa natin ang Christmas Season Gift Giving Project Year 3.

Sa ikatlong taon nito ay nakapamamigay tayo ng 100 gift packs sa mga kababayan nating IndangeƱo at ilang karatig-bayan na mga nangangailangan ng “Munting Pamaskong Handog”.

Ang proyektong ito ay ating sinimulan noong Kapaskuhang 2020 na may pandemya at naulit noong Kapaskuhan ng 2021 at nito ngang Kapaskuhang 2022 ay naulit natin sa ikatlong beses.

Masaya ang bawat indibidwal at pamilyang sorpresang nakatanggap ng ating mga mumunting pamasko na may bigas, kape, asukal, noodles, gatas, spaghetti pasta, spaghetti sauce, keso at iba pa habang ang iba naman ay mumunting gamit sa bahay.

Dalawang organisasyon ang naging katuwang sa programang ito, ang Alpha Kappa Rho (AKRHO/AKP) – Kappa Upsilon Poblacion Chapter noong Disyembre 31, 2022 at Enero 1, 2023; at ang Sulong Bayan Movement (SULONG BAYAN) noong Disyembre 24, 2022 at Enero 2, 2023.

Syempre, nais ng inyong lingkod “Paps Rex” na isang Grand Skeptron ng AKRHO/AKP na magpasalamat sa mga tumulong sa proyektong’ Gift Giving Year 3′.

Kapitan Vergel at Madam Nedi Fidel, G. at Gng. Celia Kennedy, Konsehal Ferdi Papa, Konsehal Nilo at Gng. Jhing Telmo, Konsehal Danny Masangcay, G. Gary Umali, Gng. Gina Diokno, Gng. Edith Marquez, G. Nando at Gng. Lynn Telmo, G. Ivan at Gng. Vera Faye Faylona, G. Rael at Gng. Rose Cruzado, Bb. Allen Salazar, G. Sherwin Salazar, Gng. Beth Ambas Salazar, Bb. Ana Fe Ambas, Bb. Myraflor Ambas, Bb. Izella Del Mundo, Gng. Ivy Del Mundo BiƱalber, Bb. Ivyella Del Mundo, at Gng. Paring Tibayan, salamat sa inyong kabutihang loob, Nakalaan ang pagpapala sa inyo ngayong 2023.

Bb. Analyn at Bb. Dinah Cruzado, G. Lino at Gng. Bhey Alcaide, G. Bhudy at Gng. Laura Crema, G. Dan at Gng. Joy Crizaldo, G. Damaso Gil, G. Charles Fidel, Gng. Socorro Romero, G. Leo Rodillo at Bb. Mhel Tepora, G. Gilbert Cubilla, G. Matt Nuestro, Gng. Celia Morales, Bb. Dhel Avilla, Gng. Elenita Tibayan, Bb. Lailanie Vicedo, G. Albert Ramos, G. Ruel at Gng. Vicky Del Rosario, G. Jayson at Gng. Nilda Garcia, at Bb. Raia Alecshia Del Rosario Garcia, nakalaan din sa inyo ang pagpapala ngayong taon.

Huwag kayong magsawa sa pagsuporta at pagtulong sa ating taunang Gift Giving Project.