Pagpapalabas ng higit P69M para sa nat’l livestock program ng DA, oks na sa DBM

Pagpapalabas ng higit P69M para sa nat’l livestock program ng DA, oks na sa DBM

November 26, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng  mahigit P69 milyon para sa National Livestock Program ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, inaprubahan ang pagpapalabas ng P69,699,000  para sa  Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project sa ilalim ng National Livestock Program.

Ayon sa DBM, ang special allotment release orders (SAROs) ay  inaprubahan  ni Pangandaman noong Nobyembre 17, naglalayong “to augment the Production Support Services (PSS) on the National Livestock Program to cover the funding requirements of the PECM Commercialization Project, chargeable against the DA Budget under 2022 General Appropriations Act.”

“In line with President Ferdinand Marcos. Jr.’s instruction to put prime importance on agriculture, we will do our best to provide support and implement vital measures to boost the country’s agricultural output. The release of the fund will surely help our kababayans, especially those who rely on livestock farming as their livelihood,” ayon sa Kalihim.

Ang National Livestock Program ng DA sa pamamagitan ng PECM Commercialization Project ay naglalayong gawing komersyalisado ang paggamit ng protein-enriched copra meal bilang  locally available feed ingredient na maaaring ipalit sa  imported soybean para sa kapakinabangan ng mga nag-aalaga ng mga baboy at manok.

Ayon sa  DA,  ang proyekto “shall focus to jumpstart and expedite the commercialization of PECM as an urgent measure to cushion the impact of soaring feed raw material prices which had been contributing to the increase in pork and chicken consumers.”

“Ultimately, supporting the program translates to helping our consumers. Ito naman po ang hangarin ng Marcos admin – ang tulungan ang agriculture sector sa kanilang produksyon para ma-maintain ang presyo ng mga agricultural products at affordable levels,” ayon kay Pangandaman. Kris Jose