Pagpapalabas ng P495M para sa NLEX-SLEX connector right-of-way, oks na sa DBM

Pagpapalabas ng P495M para sa NLEX-SLEX connector right-of-way, oks na sa DBM

February 28, 2023 @ 2:34 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Makatatanggap na ang Department of Public Works and Highways (DPWH)  ng P495 milyon para sa pagbili ng  right-of-way para sa  NLEX-SLEX Connector Road Project (NSCRP).

Ito’y matapos na aprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P495,129,744 para sa  DPWH.

“This (SARO) is to cover the payment of right-of-way for properties affected by the NLEX-SLEX Connector Road Project,” nakasaad sa kalatas ng DBM.

Kinilala naman ni Pangandaman na  ang pagkuha sa  ROW ay mahalaga sa pagpapatupad ng NSCRP.

“That’s why securing the payment for all affected properties is very important. And we also thank our kababayan  for their solidarity and cooperation. Importante po ‘yun para umusad ang proyekto,” ayon sa Kalihim.

Sinabi ng DBM na ang pondo ay huhugutin mula sa “programa, activity, o proyekto”  sa ilalim ng 2023 budget ng DPWH na inaprubahan ni Pangandaman noong Pebrero 22.

Ang pagpapalabas ng pondo ay makatutulong para palakasin ang “Build, Better, More” infrastructure development program ng administrasyong Marcos.

“As we continue the timely release of funds under the 2023 General Appropriations Act, the DBM also ensures that priority projects and programs of the Marcos Jr. administration will be provided with the needed budget at the soonest possible time,”  aniya pa rin.

“The budget for the right-of-way payments for the NSCRP will definitely boost our Build, Better, More program,” dagdag na wika ni Pangandaman. Kris Jose