Pagpapalabas ng SALN ng public officials, hinigpitan ng Ombudsman

Pagpapalabas ng SALN ng public officials, hinigpitan ng Ombudsman

September 15, 2020 @ 7:37 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na basta-bastang makakukuha ang isang ordinaryong indibidwal ng kopya ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng public officials ayon sa Office of the Ombudsman.

Tanging papayagan na lamang ang pagbibigay ng kopya ng SALN sa mga official investigations, sa pamamagitan ng court order, o pagpayag mismo ng opisyal na ilabas ito.

Ayon sa inilabas na kwalipikasyon ni Ombudsman Samuel Martires limitado na ang pamimigay ng SALN sa:

  • Duly authorized representative of public officials;

  • Persons who made the request upon lawful order of the court in relation to a pending case;

  • Offices, bureaus, and units of the Ombudsman for the purpose of conducting a fact-finding investigation.

Nakasaad pa sa memo ng Ombudsman na “no SALN will be furnished to the requester” unless authorized by the public official who had filed the document requested.

“All requests to inspect or to take picture of the SALN will be denied,” saad sa memorandum.

Maging ang mga ahensya ng gobyerno ay hindi na rin basta-basta bibigyan ng kopya ng SALN.

“All requests by government agencies for the SALNs of their officials and employees for any purpose shall be denied unless the request form is supported by the declarant’s notarized letter of authority.”

Kapag naman naman nagpumilit ang isang indibiwal sa pagkuha ng kopya ng SALN dahil sa basehang lifestyle check, kinakailangan niyang magsumite ng verified complaint kabilang ang ebidensya para sa pag-aksyon ng Ombudsman. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...