Pagpapalakas ng interaksyon sa PH political parties, ipinahayag ng Tsina

Pagpapalakas ng interaksyon sa PH political parties, ipinahayag ng Tsina

August 29, 2022 @ 12:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Communist Party of China (CPC) na nais nitong paigtingin ang relasyon sa mga political party sa Pilipinas.

“[W]e are open and we are very positive to promote and strengthen the interactions between the Communist Party of China and [political parties in the Philippines] and even with new parties, we would like to establish ties,” ayon kay Minister Liu Jianchao ng International Department of the CPC Central Committee sa isang panayam.

Si Liu ay dumating sa bansa, araw ng Biyernes, para sa kanyang three-day working visit.

Nakipagkita rin siya kina House Speaker and Lakas-CMD party president Martin Romualdez at Senate Minority Leader Koko Pimentel, chair ng PDP-Laban.

Sa kanilang pagpupulong, araw ng Linggo, tinalakay nina Liu at Pimentel ang kooperasyon sa pagitan ng CPC at PDP-Laban at kung paano ang dalawang partido ay maaaring makatulong na mapahusay pa ang bilateral relations sa pagitan ng Beijing at Manila.

Maliban sa mga party leaders, nakipagkita rin si Liu kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para pag-usapan ang aspeto ng kooperasyon kabilang na ang agrikultura imprastraktura at people-to-people ties.

Sinabi ni Liu na handa ang China na suportahan at makipagtulungan sa Pilipinas sa usapin ng renewable energy.

Umaasa naman si Liu na muling mabubuhay ang negosasyon ukol sa Philippine-China oil at gas exploration sa South China Sea.

“[It] seems that there are some legal barriers or legal factors that are standing in the way of a final consensus. So I hope that both sides will move about this issue in a way that is feasible, in a way that will be practical so that the cooperation could be continued, could be realized,” ani Liu.

“I hope that the discussions will continue and both sides will demonstrate some kind of flexibility so that, without prejudicing each other’s claims or their own positions, cooperation could happen,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose