Pagpapalakas ng job generation programs itinutulak ni Villanueva

Pagpapalakas ng job generation programs itinutulak ni Villanueva

September 9, 2022 @ 5:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva nitong Biyernes na ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng panukalang Trabaho Para sa Lahat ng Pilipino Act, ang kanyang top bill, na layuning magtalaga ng national employment recovery strategy.

“We will see to it that relevant education and training are funded to arm future workers in landing in sustainable employment or livelihood,” pahayag ni Villanueva.

“The budget coupled with correct policies should lead the path to jobs recovery that will help fix the pandemic-scarred economy and lift the lives of our people,” dagdag niya.

Ito ang naging panawagan ni Villanueva matapos ang preliminary results ng Labor Force Survey na nagpapakita na 2.60 milyon ang unemployed Filipinos noong Hulyo, na mas mababa sa 2.99 milyon noong Hunyo at 3.23 milyon sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Katumbas ito ng unemployment rate na 5.2%, mas mababa sa 6.0% noong Hunyo at 7.2% recorded noong Hulyo 2021.

“We need jobs that are secure and pay decently, not temporary, informal, and insecure, especially amidst rising prices due to inflation which clocked in at 6.3% last August,” giit ni Villanueva. RNT/SA