Pagpapalakas ng medical workforce, COVID booster tagumpay ng DOH sa first 100 days

Pagpapalakas ng medical workforce, COVID booster tagumpay ng DOH sa first 100 days

October 9, 2022 @ 8:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Health (DOH) na itinuturing na tagumpay ng ahensya sa unang 100 araw nito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapaigting ng COVID-19 booster vaccination campaign at ang pagpapalakas sa medical workforce kahit sa panahon ng pandemya.

Sa isang media release nitong Biyernes, Oktubre 8 sinabi ng DOH na pinabilis pa nito ang COVID-19 vaccination at booster rollout sa pamamagitan ng “PinasLakas” vaccination drive na inilunsad noong Hulyo 26.

“The numbers helped improve the country’s vaccination rate for fully vaccinated individuals to 93.81% or 73.3 million Filipinos as of October 6, 2022. The number of Filipinos who received their first booster dose also increased to 25.62% of the general population or 20 million individuals,” ayon sa DOH.

Ang PinasLakas campaign ay orihinal na inilunsad upang makapagbigay ng booster shots sa 50% ng eligible population ng bansa.

Matatandaan naglagay ng 19,283 PinasLakas sites ang DOH na matatagpuan sa mga palengke, paaralan, opisina, terminal, simbahan, mobile vaccination sites at iba pa upang mapadali pa sa mga residente ang magpabakuna kontra COVID-19. RNT/JGC