Pagpapalakas ng midwifery isinusulong

Pagpapalakas ng midwifery isinusulong

October 22, 2022 @ 2:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inihain sa Kamara ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo ang House Bill No. 3882 na layong magpalakas at magpaunlad ng midwifery bilang isang propesyon sa bansa.

Ayon kay Salo, hindi lamang nito palalakasin ang papel ng mga midwife sa health care system kundi maging ang kalusugan ng mga nanay at sanggol.

“When the midwives are greatly capacitated and their welfare are taken care of, they can also effectively take care of their patients and prevent the incidence of maternal deaths,” pahayag ni Salo.

“The filing of HB No. 3882 is timely, as it coincides with the 100-year anniversary of the midwifery profession in the country and the 48th Annual Convention of the Integrated Midwives Association of the Philippines (IMAP),” dagdag pa niya.

Ang IMAP ang pinakamalaking asosasyon ng mga midwife sa bansa at nagtitipon-tipon taon-taon sa kanilang annual convention.

Ngayong araw, Oktubre 22 ang pagtatapos ng convention na ito na nagsimula noong Huwebes, Oktubre 20.

“Indeed, the midwifery profession has really gone a longway since 1922 – exactly 100 years today – when Dr. Jose Fabella founded the first school of midwifery,” pagdidiin ni Salo na nagsilbi ring keynote speaker sa event.

Magbibigay din ng reporma sa kasalukuyang Midwifery Act of 1992 ang kanyang panukala na nagpapaunlad at pumuprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga midwife.

“Because of the growing complexity of health care in our country, the functions of our health care providers are also expanding. For example, a few years ago, the services of midwives in our country were only limited to birthing services. Now, midwives also engage in newborn care, post-natal care, family planning, and newborn screening services. Thus, the law should reflect that,” dagdag pa ng kongresista.

Sa ilalim ng HB No. 3882, target din nitong palawakin ang midwifery curriculum sa four-year Bachelor of Science degree.

“It has been 30 years since the enactment of the Midwifery Act of 1992. Since then, the practice of midwifery has greatly expanded such that a two-year diploma curriculum is insufficient to teach future midwives adequate midwifery service. There is thus a need to increase the standards of the midwifery curriculum to a four-year bachelor of science degree in order for the Filipino midwife to become well-equipped and highly skilled in offering quality healthcare services and be up to par with international standards in the midwifery practice,” pagtatapos niya. RNT/JGC