Pagpapalakas sa World Health Organization tinutulan ng US

Pagpapalakas sa World Health Organization tinutulan ng US

January 24, 2022 @ 11:44 AM 8 months ago


BRUSSELS – Pinalagan ng United States ang pagpapalakas o ang panukala para mas maging independent ang World Health Organization.

 

Dahil dito tumaas ang mga duda ukol sa magiging long-term support ng Biden administration sa UN agency. Ang US kasi ang top donor ng WHO.

Sa nasabing panukala ng working group ng WHO ukol sa sustainable financing, pinatataasan nito ang kontribusyon ng mga member state, ayon sa isang WHO document na isinapubliko online noong Enero 4.

Ang nasabing plano ay nag-ugat sa COVID-19 pandemic na nilimitahan ang kapangyarihan ng WHO sa pagtugon sa krisis.

Sa kabilang banda, ayaw ng US ang nasabing panukalang reporma.

Ayon sa opisyal ng US, itinutulak ng nasabing panukala ang pagbuo ng hiwalay na pondo na direktang kokontrolin ng donors.

Apat na European officials, na ayaw magpabanggit ng pangalana, ang nagkumprima sa posisyon ng US. RNT