Pagpapalawig ng access sa Shari’ah courts para sa mga Muslim, oks sa SC

Pagpapalawig ng access sa Shari’ah courts para sa mga Muslim, oks sa SC

January 17, 2023 @ 7:40 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Umaasa ang Supreme Court na maisasabatas ang panukalang batas sa Kamara na layong mapalawak ang access sa mga Shari’ah courts o sa mga korte para sa Muslim community.

Sa pagharap sa Muslim affairs panel ng Kamara, inihayag ni Supreme Court Administrator Raul Villanueva na suportado ng SC ang House Bill 5045 dahil malaking tulong ito para sa pangangailangan ng Muslim brothers at sisters partikular ang pagpaparehistro ng birth, marriage o death certificate.

Ayon kay Villanueva, ang mga Shari’ah courts, au limitado lamang sa Regions 9 at 12.

Salig sa House Bill 5045 inaatasan ang National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) na tumulong sa Philippine Statistics Authority sa pagsasagawa ng census sa populasyon ng Muslim Filipinos sa bansa, asikasuhin ang mga Shari’a Court Services sa Muslim Filipinos, magsilbing service provider sa paghahain ng mga dokumento sa Shari’a Courts at pagsusulong ng Public-Private Partnership Projects para sa Muslim Filipinos.

Ang House Bill 5045 ay isinusulong ni Lanao del Sur Representative Khalid Dimaporo na siya rin chair ng House Muslim affairs panel. Teresa Tavares