Pagpapalawig ng Alert Level 2 hanggang Disyembre inirekomenda sa PH gov’t

Pagpapalawig ng Alert Level 2 hanggang Disyembre inirekomenda sa PH gov’t

December 12, 2021 @ 1:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng isang infectious disease expert nitong Linggo na pabor umano siya sa pagpapanatili sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 sa gitna ng banta ng omicron variant.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante na pabor siya sa pagpapalawig ng coronavirus disease (COVID-19) Alert Level 2, na nakatakdang matapos sa Miyerkules, sa karamihan sa mga lugar sa bansa, hanggang matapos ang Disyembre.

“Personally, I really would agree if the government will still extend the Alert Level 2 until the end of December because what we need now is really making people assured na wala tayong omicron variant,” pahayag ni Solante sa TeleRadyo.

Wala pa namang naitatalang kaso ng omicron variant sa bansa, na unang natuklasan sa South Africa.

Naniniwala rin umano si Solante, pinuno ng San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department, na hindi magiging sanhi ng surge sa COVID-19 cases ang Omicron, hindi katulad ng Delta variant.

Dagdag niya, handa umano ang bagong variant dahil sa high vaccination rate nito.

“I’m fully confident with that,” ani Solante.

“Ang advocacy pa rin natin, it’s better to be vaccinated rather than not be vaccinated dahil mayroon ka pa ring antibody for protection,” giit niya. RNT/SA