Pagpapalawig ng ‘blended learning’ suportado ng mga pribadong paaralan

Pagpapalawig ng ‘blended learning’ suportado ng mga pribadong paaralan

July 23, 2022 @ 12:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Suportado ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), kasama ang affiliate organizations nito, ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin ang blended learning nang lampas sa Oktubre 31 sa mga piling lugar sa bansa.

Sinabi ni Marcos nitong Martes na magpapatuloy ang blended learning sa “very specific” na mga lugar kahit na lumampas sa orihinal na itinakdang petsa sa Oktubre 2022, at sinabing kinakailangan ng Department of Education (DepEd) “to address the lack of classrooms, teachers,” maging ang iba pang isyu sa edukasyon sa bansa.

“With this new development, the COCOPEA reiterates its appeal to allow their member schools the flexibility and wide latitude to combine online and other remote learning modalities with in-person classes beyond Oct. 31, 2022,” ani COCOPEA Managing Director Atty. Joseph Noel Estrada.

“The cost of the return to face-to-face classes of all students in some of these small struggling schools may not be readily afforded by them without government assistance as they still hope to improve their enrollment in the coming school year,” patuloy niya.

Samantala, binigyang-diin ng COCOPEA na ang integrasyon ng online at remote modalities sa in-person classes sa darating na school year (SY) 2022-2023 ay makatutulong sa mga pribadong paaralan sa bansa na pag-igihin pa ang learning experiences ng mga estudyante nang hindi sila nalalagay sa panganib sa gitna ng COVID-19 pandemic. RNT/SA