Pagpapalawig ng F2F classes irerekomenda ng DepEd

Pagpapalawig ng F2F classes irerekomenda ng DepEd

January 14, 2022 @ 4:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Dahil sa tagumpay ng isinagawang pilot implementation ng face-to-face classes sa bansa, posibleng irekomenda ng Department of Education ang pagpapalawig nito, base kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan nitong Biyernes.

Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni Malaluan na posibleng irekomenda ng education department ang pagpapalawig ng nito subalit hindi pa umano ito pinal, at alinsunod pa ito sa pakikipagtalakayan sa Department of Health.

“Subject lang sa pagpupulong sa DOH sa Monday…We can recommend and really strongly push for progressive expansion of face-to-face classes,” aniya.

Batay sa consolidated report na ihahain ng DepEd sa Office  of the President, naging matagumpay ang pagsasagawa ng pilot face-to-face classes, ayon kay Malaluan.

Samantala, hinikayat naman ng DepEd ang regional at schools division offices na magkaroon ng diskresyon sa pagsuspinde sa mga klase sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases. RNT/SA