Pagpapalawig ng F2F classes sa Pebrero, inirekomenda ng DepEd

Pagpapalawig ng F2F classes sa Pebrero, inirekomenda ng DepEd

January 18, 2022 @ 7:47 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inirekomenda na ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng alert levels 1 at 2.

Sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang pinalawig na face-to-face classes ay magsisimula sa unang linggo ng Pebrero.

Sinabi pa ni Briones na dapat bigyang-awtoridad ang DepEd at Department of Health na magdesisyon sa scale at mechanics ng pinalawig na face-to-face classes at iba pang school-based activities.

Dapat nakonsulta rin ang Department of the Interior and Local Government ukol dito.

Inirerekomenda rin ng DepEd na tanging ang mga bakunadong guro at non-teaching personnel ang papayagang makilahok sa face-to-face classes.

Habang ang pagpapartisipa ng mga bakunadong estudyante ay mas paporable.

“Hindi kami mag-e-expand basta-basta na hindi kami nangangatok sa local governments at hangga’t hindi nakukuha ang written consent ng parents,” ani Briones. RNT