Pagpapalawig ng SIM registration kinokonsidera ng DICT

Pagpapalawig ng SIM registration kinokonsidera ng DICT

March 12, 2023 @ 10:29 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-extend o palawigin ang deadline para sa pagpaparehistro ng SIM (subscriber identity module) cards.

Ito’t bunsod na rin ng pinakabagong tally kung saan umabot lamang sa isang quarter ang kabuuang subscribers sa buong bansa.

Sa pinakabagong bilang, sinabi ng departamento na ang kabuuang registered subscribers ay umabot sa 41.47 million, na 24.54% lamang ng 168.98 million subscribers sa bansa.

“DICT is looking at the possibility of an extension,” ayon kay DICT Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations Anna Mae Y. Lamentillo.

At sa tanon kung may plano ang DICT na palawigin ang deadline, sinabi ni Lamentillo na ito’y isasailalim sa deliberasyon.

“The DICT has the prerogative to extend the SIM Registration process for another 120 days. We are still deliberating on the matter. Now we’re focused on increasing the number of registrants before the April 26 deadline,” dagdag na wika nito.

Ang kabuuang bilang ay pinasama-sama mula sa data na iniulat ng local public telecommunication entities o PTEs: Smart Communications, Inc., Globe Telecom, Inc., and DITO Telecommunity Corp.

Makikita sa breakdown na ibinigay ng DICT na “Smart registered a total of 21.12 million SIM cards which is 31.05% of its around 68 million subscribers; Globe recorded 17.21 million or 19.58% of its 87,873,936 subscribers; and DITO reported 3.15 million or 24.02% of its 13.11 million subscribers.”

Sinabi naman ng Globe na naglagay sila ng SIM card registration booths sa 54 lokasyon sa buong bansa mula Marso 7 hanggang 10.

“[This is] in support of the seventh round of the SIM registration assistance initiative of the National Telecommunications Commission,” ayon sa kompanya. Kris Jose