Pagpapalawig ni Marcos ng nat’l health emergency status, hinangaan ng Kamara

Pagpapalawig ni Marcos ng nat’l health emergency status, hinangaan ng Kamara

August 18, 2022 @ 5:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinangaan ng House of Representatives ang naging hakbang ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na palawigin ang national health emergency status sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa isang pahayag ngayong Huwebes, Agosto 18, sinabi ni Majority Floor Leader at Zamboanga City 2nd District Rep. Manuel Jose Dalipe na kailangan ang naturang hakbang lalo na sa pagrepaso ng 2023 budget.

“We are thankful that President Marcos acted swiftly to extend the state of national health emergency previously declared by President Duterte through proclamation 922,” ani Dalipe.

Sa kabila rin umano ng pagbaba ng kaso ng COVID-19, nangangailangan pa rin ang bansa ng kakaibang pamamaraan upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan. RNT