Pagpapalawig sa ayuda program makatutulong vs inflation – Rep. Quimbo

Pagpapalawig sa ayuda program makatutulong vs inflation – Rep. Quimbo

November 14, 2022 @ 11:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Makatutulong ang plano ng Marcos administration na palawigin ang ayuda o subsidy programs para mabawasan ang epekto ng inflation na pumalo na 7.6 porsyento.

Ito ang tinuran ni Marikina Rep. Stella Quimbo, Chairman ng House Committee on Appropriations, aniya, ang pinakamabisang depensa laban sa inflation ay palawakin ang domestic output.

Aniya, makatutulong kung palalawigin pa ng gobyerno ang pagbibigay ng fuel and fertilizer subsidies para mapalakas ang produksiyon sa agrikultura at matiyak ang food security.

“At this point, the best defense against inflation is domestic output expansion. The government has been providing fuel and fertilizer subsidies to boost agricultural production. We should consider expanding this program to better support our producers,” pahayag ni Quimbo.

Paliwanag ni Quimbo, suportado ng Kongreso ang paglalaan ng 206.50-billion halaga ng subsidies at cash aid sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa 2023 na ang pangunahing layunin ay matulungan ang mga apektadong sektor sa harap ng patuloy na pagtaas ng inflation rate.

Sa subsidies at cash aid programs ng gobyerno, ang Department of Social Welfare and Development ang makakakuha ang pinakamalaking budget.

“The DSWD will get a big chunk of the budget, with P165.40 billion to be allocated for the implementation of various social assistance programs. Other agencies like the Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), and Development of Agriculture (DA) will also get their slice of the subsidy pie,” pagtatapos niya. Gail Mendoza