Pagpapalaya kay Gigi Reyes binubusisi ng kampo ni de Lima

Pagpapalaya kay Gigi Reyes binubusisi ng kampo ni de Lima

January 20, 2023 @ 7:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines-  Inihayag ng kampo ni dakting Senador Leila de Lima na pinag-aaralan nito ang desisyon ng Supreme Court na pansamantalang palayain si Jessica Lucila “Gigi” Reyes, dating aide ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na halos siyam na taong nakakulong dahil sa plunder.

Pinayagan ng high court nitong linggo ang petisyon ni Reyes para sa writ of habeas corpus, at sinabing ang matagal niyang detensyon nang walang court conviction “has become oppressive thus infringing upon her right to liberty.”

Sinabi ng abogado ni de Lima na si Boni Tacardon na binubusisi ng defense team ang posibilidad ng paghahain ng parhong petisyon sa Korte Suprema.

“To be honest, we are currently studying the resolution of the Supreme Court in the case of Gigi Reyes at tinitingnan namin ‘yung similarity niya sa case ni [we’re looking at its similarity with the case of] Sen. Leila de Lima,” sabi ni Tacardon.

“It’s not only the period of time kasi ang iko-consider natin diyan. It’s also the reason why naging prolonged ang detention ni Gigi Reyes,” dagdag niya.

Inilahad ni Tacardon na tinitimbang ng mga abogado ang pinakamainam na opsyon para kay de Lima, at inaasahan ang resolusyon sa kanyang bail petition sa unang kwarter.

“Kasi before lumabas iyang kay Gigi Reyes, we’re looking at February and March as a possible D-Day insofar as Sen. Leila is concerned,” giit ng abogado. “Nagpe-pray kami sa court na mapagbigyan ang application for bail.”

Ayon pa sa mga abogado ni de Lima, habang hinihintay ang dismissal ng dalawang natitirang kaso, dapat siyang payagan na makapagpiyansa dahil sa lack of evidence.

Iginiit ni de Lima, kilalang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na biktima siya ng political persecution, na makailang ulit na itinanggi ng nakaraang administrasyon. RNT/SA