Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, aatupagin sa 19th Congress

Pagpapaliban ng Barangay, SK elections, aatupagin sa 19th Congress

July 20, 2022 @ 3:21 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng palawigin sa ika-19 Congress ang termino ng kasalukuyang opisyal ng Barangay kung saan itinakda ang halalan sa Disyembre 5.

Sa forum na Kapihan sa Manila Bay, inihayag ni Albay Representative Joey Salceda, na sa muling pagbubukas ng sesyon sa Kongreso ay kanilang aatupagin ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections  sa Disyembre .

Ayon Kay Salceda, ang termino ng Barangay ay nais nilang palawigin  dahil napakaikli aniya ang tatlong taon nilang panunungkulan.

Kung hindi aniya matutuloy ang barangay at SK elections sa Disyembre, may ₱11-B na matitipid ang gobyerno na maaaring gamitin sa infrastracture program ng pamahalaan.

Ilang mga mambabatas na rin ang nagsusulong  na ipagpaliban muna ang nakatakdang halalan sa Disyembre dahil ang nasabing pondo na gagamitin sa  BSKE election ay  malaki ang maitutulong sa iba pang proyekto at pagtugon sa pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden