Pagpapaliban ng Cha-cha debates sa gitna ng PUJ strike, inihirit ng Makabayan bloc

Pagpapaliban ng Cha-cha debates sa gitna ng PUJ strike, inihirit ng Makabayan bloc

March 6, 2023 @ 11:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Para sa Makabayan bloc, “insensitive” para sa mga mambabatas na pagdebatehan ang Charter change (Cha-cha) habang nagsasagawa ang public utility jeepney (PUJ) drivers ng kilos-protesta.

Dahil dito, hiniling ng mga mambabatas House leadership na ipagpaliban ang scheduled deliberations sa Cha-Cha-cha sa plenary ngayong Lunes, habang may transport strike.

“The nation and our constituents are more concerned now on how to help public utility drivers ensure their jobs and livelihood that are about to be phased out by the supposed modernization of [PUJs],” anang Makabayan bloc nitong Linggo.

“It would be the height of callousness and insensitivity for the House to continue deliberating on Cha-cha that is not even among the top concerns of Filipinos while commuters are stranded and drivers are to go jobless,” ayon sa grupo.

Binigyang-diin ng Makabayan bloc sa Kamara ay binubuo nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel  na hindi mareresolba ng Cha-cha ang mga problema ng commuters at drivers.

“To be more pro-active, we suggest that Congress should instead use the session days during the transport strike  to deliberate on what measures can be done to support drivers and operators as well as alleviate the transportation problems of our country,” ayon pa sa grupo.

Noong Marso 1, inisponsoran ni Cagayan de Oro City 2nd district Rep. Rufus Rodriguez ang House Bill (HB) No.7352, o ang panukalang Act implementing Resolution of Both Houses (RBH) No.6, sa plenary session.

Sa ilalim ng resolusyon, itinutulak ang paglikha ng hybrid constitutional convention (con-con), na maglalatag ng proposed amendments sa umiiral na 1987 Constitution.

Inaasahang aarangkada ngayong Lunes ang plenary debates sa HB No.7352. RNT/SA