Pagpapaliban ng paglipat ng BuCor HQ sa Masungi Georeserve, ikinatuwa

Pagpapaliban ng paglipat ng BuCor HQ sa Masungi Georeserve, ikinatuwa

March 10, 2023 @ 9:48 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ikinatuwa ng Masungi Georeserve Foundation nitong Huwebes ang plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na ipagpaliban ang paglipat ng headquarters nito sa georeserve sa Rizal.

Inihayag ito ng foundation matapos ilahad ni BuCor office-in-charge Gregorio Catapang Jr. na ipagpapaliban ang plano na ilipat ang headquarters nito sa georeserve dahil sa “pending further studies” sa epekti nito sa kalikasan sa Senate tourism committee hearing  nitong Martes.

“Knowing the potential environmental impacts of the plan, we are hopeful that the project will be scrapped altogether,” pahayag ng Masungi Georeserve.

Subalit, hinikayat nito si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga na bumuo ng Masungi Geopark Project’s Oversight Committee para resolbahin at maiwasan ang future conflicts sa project site.

“We must all be aligned with the long-term vision for Masungi that has been painstakingly built over the last 25 years. As scientists, environmental planners, and citizens have all said: Let us keep Masungi a sanctuary for our unique geological heritage and threatened wildlife,” anang foundation.

Pinasalamatan din nito ang mga senador sa pag-imbestiga sa “destructive activities” sa Masungi Georeserve at sa Masungi Geopark Project.

“We hope to continue working with the Senate as it exercises oversight over matters affecting our people’s right to a healthy ecology,” sabi ng Masungi Georeserve.

“Once again, we are grateful for our fellow Filipinos and supporters in the international community for being vigilant about this threat. We continue to count on your voices in helping us save Masungi against the many challenges it faces,” dagdag nito.

Sinabi ni Catapang na umaasa silang tutulungan ng urban planner o ng environmental planner sa pagsasagawa ng pag-aaral, at tiniyak sa mga senador na hindi nila itutuloy ang BuCor headquarters sa lugar “it’s not worth it.”

Humirit siya ng anim na buwan hanggang isang taon para matapos ang pag-aaral. RNT/SA