Pagpapaliban sa BSKE inihirit din ng Mindanao solon

Pagpapaliban sa BSKE inihirit din ng Mindanao solon

August 10, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isa pang mambabatas ang humiling na ipagpaliban ang Disyembre 2022 Barangay at SK election at gawin ito sa Mayo 2024.

Sa House Bill No 3384 na inihain ni Basilan Rep Mujiv Hataman ay ipinanukala nitong amyendahan ang Republic Act 9164 upang maipagpaliban ang eleksyon para mabigyang daan ang mas mahalagang programa ng gobyerno na nangangailangan ng malaking pondo.

Aniya, lubhang magastos ang magdaos ng eleksyon sa panahon ng COVID-19.

“More than P1 billion was allocated for the purchase of items labeled as ‘COVID-19 supplies:’ face masks, alcohol, plastic acetates, and antigen tests for election officers who attended training. Nasa gitna pa rin tayo ng rumaragasang pandemya, hindi pa balik normal ang lahat. Hindi natin sigurado kung ano ang kalagayan ilang buwan mula ngayon. Kaya ang aking panukala, ipagpaliban muna ito,” pahayag ni Hataman na dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Tinukoy ni Hataman na nasa 80 bansa sa buong mundo ang nagdesisyon na ipagpaliban din ang kanilang national at subnational election.

Kung idadaos ang barangay at Sk election ngayong taon ay nasa P8 bilyon ang gagastusin.

“This representation believes that the budget could be realigned for economic stimulus and COVID-19 response programs for the benefit of the entire nation,” pagtatapos pa ni Hataman. Gail Mendoza