Pagpapalit-kahulugan sa ‘fully vaccinated’ ‘di oks sa mga eksperto – Vergeire

Pagpapalit-kahulugan sa ‘fully vaccinated’ ‘di oks sa mga eksperto – Vergeire

March 26, 2022 @ 10:15 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Hindi masigasig ang mga awtoridad sa pagsuporta sapanukalang palitan ang kahulugan ng “fully vaccinated” bilang mga naturukan ng booster dose matapos ang primary series, ayon sa isang Health Official nitong Biyernes.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tinalakay ng Health officials at vaccine experts ang panukala ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, subalit hindi ito sinang-ayunan base na rin sa scientific evidence at global practice.

“According to our experts, they were saying mukhang hindi talaga appropriate,” pahayag ni Vergeire.

Aniya, hindi pinapalitan ng United States Centers for Disease Control and Prevention ang depinisyon nito ng fully vaccinated. Giit ni Vergeire, pinag-aaralan ng pamahalaan ang pag-adopt sa format ng vaccination cards sa Estados Unidos, kung saan nakalagay ang primary doses, at “updated” mark. RNT/SA