Pagpapalit kay ex-DND OIC Faustino, nalaman lang sa socmed

Pagpapalit kay ex-DND OIC Faustino, nalaman lang sa socmed

January 10, 2023 @ 1:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng nagbitiw na officer-in-charge ng Department of National Defense (DND) na si Jose Faustino Jr. nitong Martes ang pagkadismaya matapos mapag-alaman mula lamang sa balita at social media na nanumpa ang isang bagong hepe ng militar sa Malacañang.

“With the utmost respect, I submitted my irrevocable letter of resignation to the President, His Excellency Ferdinand R. Marcos Jr., on Friday, January 6, 2023, after learning only from news and social media reports that an oath of office of the new Chief of Staff, AFP had taken place at Malacañang,” pahayag ni Faustino.

Itinalaga ni Marcos si General Andres Centino bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na pumalit kay Lieutenant General Bartolome Bacarro, na naging hepe ng AFP sa loob lamang ng limang buwan.

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang Malacañang ukol dito.

Iginiit ni Faustino na hindi niya maaaring payagan na masira ang reputasyon ng AFP at nangakong pananatilihin niyang mataas ang pagpapahalaga sa organisasyong militar. Hindi na niya ito idinetalye.

“[The AFP] has undeniably proven its mettle over the decades. It is a highly disciplined and competent organization that will survive under any given circumstance,” aniya.

“Thus, fully cognizant of the selfless sacrifice and courage of our troops and civilian human resources, I cannot allow the AFP’s reputation to be tarnished, maligned, or politicized. I assure everyone that I will always hold the AFP in high esteem, which its men and women have painstakingly earned.”

Itinalaga si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, at Unity Secretary Carlito Galvez Jr. para mamuno sa DND kasunod ng pagbibitiw ni Faustino.

Sa panayam, sinabi ni ni DND spokesperson Arsenio Andolong na na nagkausap sina Faustino at Marcos matapos magbitiw ng una at bago ang turnover ceremony ng AFP.

Nilinaw din ni Andolong na walang “mass resignation” sa DND. Ayon sa kanya, lahat ng coterminous appointees ay kinakailangang maghain ng courtesy resignation matapos ang pagbabago sa pamunuan.

“Ngayon po na inanunsyo na po yung bagong kalihim po ng kagawaran ay automatic naman po na magsa-submit ng courtesy resignation lahat nung co-terminus na appointees,” paglalahad niya.

“Pero dun sa konteksto po na nag-mass resignation po, wala pong ganun,” dagdag niya. RNT/SA