Pagpapaluwag sa alituntunin sa foreign investments, dapat tutukan sa Cha-cha – solon

Pagpapaluwag sa alituntunin sa foreign investments, dapat tutukan sa Cha-cha – solon

January 28, 2023 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi pabor si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chair ng House Committee on Constitutional Amendments, sa pagtalakay sa “political amendments” sa pagsisikap ng mga mambabatas na rebisahin ang 1987 Constitution, at sinabi nitong Sabado na dapat tutukan ang mga probisyon na may kinalaman sa ekonomiya.

“Ang akin kasi ngayon is how do we open our country for more foreign investments. Kasi nga ngayon, labanan ito ng mga bansa na maka-invite ng mga foreign investors so that maglagay ng mga manufacturing companies, production companies, and then employ ng Filipinos, especially galing lang tayo sa pandemya,” pahayag ni Rodriguez.

Kamakailan ay nagpulong ang resource persons ng House Committee on Constitutional Amendments para talakayin ang mga panukala para sa constitutional convention para amyendahan o rebisahin ang 1987 Philippine Constitution.

“I think, now, ang time natin ngayon is to help the president,” aniya at binanggit ang foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kabilang ang meetings sa business groups para mangalap ng investments.

“Paano naman pupunta dito yung mga foreign investors kung hanggang 40 percent lang sila, wala slang control?… We are going to look at that. Not so much on the political amendment. Yun ang aming focus ngayon,” dagdag nkiya.

Inaprubahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang amendments sa 85-taong Public Service Act, na nag-liberalize sa ilang sektor sa 40 porsyentong foreign equity cap. 

Ilan sa mga sektor na ito ang kinabibilangan ng electricity distribution at transmission, telecommunication firms, at public utility vehicles. RNT/SA