Pagpapaluwag sa BuCor prayoridad ni Remulla – DOJ spox

Pagpapaluwag sa BuCor prayoridad ni Remulla – DOJ spox

August 31, 2022 @ 4:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Gagawing prayoridad ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang decongestion ng mga piitan sa Bureau of Corrections (BuCor), ayon sa tagapagsalita ng ahensya nitong Miyerkules.

“Ang gusto unahin ni Secretary Remulla ay itong decongestion ng BuCor. Binisita ho niya ‘yung Bilibid Prison and nakita ho niya na 300% ang congestion rate natin,” ayon sa abogadong si Mico Clavano sa isang public briefing. 

Inilahad ni Clavano na target ni Remulla na ilipat ang maximum security ng NBP sa Sablayan Prison in Occidental Mindoro at ang minimum security sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

“Makakabuti ito hindi lang sa mga PDLs natin, persons deprived of liberty, dahil alam naman natin ang congestion rate sa New Bilibid Prison, 26,000 ang population. Although ang capacity lang po NBP, 6,000,” ayon sa Justice spokesperson.

“Kaya napakasama na ng kalagayan ng ating mga PDLs and there’s really no room for them to reform, for any programs to be held,” dagdag niya.

Base pa kay Clavano, hiniling din ng DOJ ang tulong ng Public Attorney’s Office (POA) ukol sa parole ng inmates.

“Chief Acosta and Secretary Remulla have talked about itong joint program kung saan magpapatulong ho ang Board of Pardons and Parole sa POA para ma-assit ho itong mga kamaganak ng PDLs para malaman ho nila itong proseso na ito,” sabi niya.

Pinayuhan naman niya ang puliko na lumapit sa POA o sa DOJ Action Center.

Samantala, ibinahagi ni Clavano na magsasagawa ang DOJ ng briefings at mga pagpupulong mula ngayong Miyerkules hanggang Biyernes upang isapinal ang budget ng ahensya. RNT